6 Important Tips Sa Panliligaw
- Miss Minchin
- Jul 27, 2016
- 3 min read

Hindi ko sinasabing madali lang manligaw, ang sinasabi ko lang ehh may technique sa panliligaw.
Direct to the point na tayo. Bibigyan ko kayo ng 6 Important Tips sa panliligaw ayon sa aking masusing pag susuri, Pak Ganern!
Ayusin Ang Porma
Minsan iniisip ng ibang mga lalaki wala na silang kapaga-pagasa dun sa mga dream girl nila kase akala nila pangit sila, o baduy sila, o jologs sila. Pero actually tama sila. Boys! minsan nasa porma lang yan. Simulan mong halungkatin yung aparador mo, check out those clothes na meron ka. Minsan kase yung mga hindi mo sinusuot, sila pa yung bagay sayo. Here’s a tip, manood ka ng TV, tignan mo sa mga artista kung sino yung kakulay mo, at kasing katawan mo, then copy his style.
2. Don’t Be Kuripot
Im not saying na maging magastos ka sa panliligaw, ang akin lang nakaka turn off yung mga guys na makukunat. Ibang kalagayan naman yung wala talagang pera. For example, nagkikita kayo everyday ni Dream Girl, give her some treats twice or trice a week. Hindi yung puro ka hugot lines at pick-up lines dyan, sabi nga nila: Pa burger ka naman! Pero seriously speaking, don’t be kuripot.
3. Be Gentleman
Actually hindi na ata uso ang pagiging Gentleman. Kahit sa bus, LRT, MRT o sa mga pila sa SSS at NBI, bibihira na ang mga Gentlemen. Pero pagdating sa panliligaw sobrang effective parin maka gwapo ng Gentleman. Yung tipong ikaw yung magdadala ng bag niya. Ikaw yung magbibigay ng chair niya. Hatid sundo mo siya. Di bale nang mahirapan ka huwag lang siya. Hindi man sabihin ni Dream Girl, pero siguradong naa-apreciate niya ang mga yun deep inside.
4. Have A Sense Of Humor
Most of the girls don’t like boring boys. Kahit naman siguro ikaw ayaw mo din yung boring. Kaya lagi kang magbaon ng mga jokes. Pero siguraduhin mong hindi corny. Eto pa, ayaw ng mga girls na sila yung mag oopen ng pag uusapan. Be gentleman. Simulan mo sa magandang topic and then for sure mag tutuloy-tuloy na yan. Dun na din mag sisimulang magkakapalagayan kayo ng loob hanggang sa mawala yung ilangan.
5. Torpe Mode: Off
Dito sigurado akong madaming nakaka relate na guys. Yung pagiging "TORPE." May kilala akong boy na may gusto sa schoolmate niya pero sobrang torpe nitong boy, kaya puro lang siya parinig kay girl. Parang hindi niya siniseryoso yung girl. Kaya akala siguro nung girl nag jojoke lang yung boy. Hanggang isang araw nagulat nalang si boy na may boyfriend na pala si girl at schoolmate din nila. Ang ginawa ni boy tinext niya si girl ng “hi kayo na pala ni _____” then nag reply si girl “ ikaw kase ang tagal mo”. Ouch men! Ang sakit diba dahil lang sa katorpehan niya, nasayang yung chance na maging sila nung mahal niya. Haaaay! So from now Torpe Mode: Off!
6. Just Be Yourself
Madaming relasyon ang hindi nagtatagal dahil may mga lalaking lumalabas ang tunay na kulay kapag sinagot na sila ng Dream Girl nila. Lagi mong iisipin na sinagot ka ng nililigawan mo dahil sa mga ugali mong pinakita sa kaniya nung nanliligaw ka palang. Kaya kung sino ka talaga, ipakita mo na sa kaniya yun habang nanliligaw ka pa palang. Mas masarap sa feeling yung nagustuhan niya yung tunay mong pagkatao kesa nagustuhan niya yung pakita mong tao!
Comments